Driver’s License sa Norway

Bakit kaya ang international driver’s license (IDL) ng Pilipinas ay hindi maaring gamitin sa Norway? Nakalagay naman ang Norway sa listahan ng mga bansa kung saan mo pwedeng gamitin ang international license mo? Aba dapat siguro maklaro ng LTO ito at baka naman, puro lista sila ng bansa sa papel tapos hindi naman din pala pwede gamitin ang IDL sa ibang bansa.

 

Anyway, dito sa Norway pwede naman mag apply ng ”exchange of drivers license” sa ”Statens” (ang Statens ay parang LTO sa Pinas). Kung ikaw ay nag apply bago maka isang (1) taon sa Norway, ang tangi mo lang kailangan ay ipasa ang “practical test” or kung tawagin natin ay actual driving test. Pero kung ikaw ay lumagpas na sa isang taon sa Norway bago nakapag apply ng exchange, may mga kurso ka pa na dapat kuhanin. Gaya ko, nakalagpas na ng isang taon bago ako nakapag apply ng exchange of license kaya naman dapat ko pang kumuha ng mga kurso. Ano-ano nga ba ang mga kurso na dapat ko kuhanin? Ang mga dapat ko kuhanin ay 1st Aid, dark driving at slippery driving, at idagdag mo pa ang mga theory test at practical test.

 

Una kong kinuha ang first aid, konti lang naman ang naintindihan ko dahil hindi english ang salita kaya medyo boring talaga. Yung dark driving naman ay medyo ok lang, ipapakita nila sa iyo kung paano mag maneho sa isang madilim na lugar. Mas maganda sana kung ikaw mismo mararanasan mong mag maneho sa dilim kaso mga instructor lang ang nag drive. Slippery driving ang pinakamasaya dahil lalagayan nila ng oil ang daan, bakit masaya kamo? Aba dahil kapag nag preno ka sa madulas na daan para ka na din nag drifting. Nakakatakot sa una pero medyo masaya na ang mga sumunod. Sa tingin ko ay napaka importante ng kurso na ito lalo na kung ikaw ay nasa isang bansa na may snow, at least alam mo na ang gagawin mo kung madulas ang daan at hindi yung tipong mag papanic. Sa theory exam naman medyo mahirap din kasi, yung mga choices na sagot ay halos magkakapareho, buti na lamang at naipasa ko ang exam. Pagdating naman sa practical exam, salamat sa Diyos at naging maganda ang panahon, walang pasaway sa daan at sa medyo alam ko na lugar kung saan kami nag exam….kaya ayun pasado din!

 

Mahal kumuha ng license dito lalo na kung ikaw ay bago pa lamang magmamaneho. Nakagastos din ako ng 14,000kroner (2,200USD) para lamang sa pagkuha ng driver’s license. Mahal pero ok na din….. kasi, ang drivers license ko ay good for 70 years na. Mga 100 years old na ako bago ulit ako mag renew hehe.  Kaya sa mga kababayan ko na nais kumuha ng license dito sa Norway, mas maganda kung ma-apply nyo na ng maaga ang exchange of license para hindi na gumastos ng malaki.

 

“Never drive faster than your guardian angel can fly”

iPhone 3G

Ano nga ba ang meron at wala sa iPhone 3G? Bakit madaming may gusto nito at bakit  madami din may ayaw? Ako po ay may isang unlock iPhone 3G, 8GB, FWV 2.2.1 kaya susubukan kong ibahagi sa inyo kung ano nga ba ang meron at wala sa isang iPhone 3G.

 

Unahin ko na ang mga disadvantages ng isang iPhone…

  1. Walang text forwarding – Ok mag send ng text (SMS) pero hindi niya kayang mag forward ng sms. Hindi din pwede ang copy and paste so, kung gusto mo i-forward ang sms na nakuha mo, wala ka ng option kung hindi gumawa ulit ng bagong sms.
  2. Walang MMS – Hindi mo pwedeng isend ang cute mong picture sa iba. Take note 2Mp lang ang camera.
  3. Walang Buss. Card sending – Kung gusto mo ipadala ang mobile no. ng isang kaibigan sa isa pang kaibigan…sorry hindi pwede. Itext mo na lang ang number sa kanya.
  4. Walang video – wala kang pang post sa YouTube.
  5. Need iTunes – para makapaglagay ng movie, mp3, photos, etc… kailangan mo pa mag install ng iTunes sa isang computer. Paano kung nag error ang iTunes?
  6. Battery – Mabilis maubusan ng batt ang iPhone dahil na din siguro sa lakas ng consumption nito kapag ginagamit. Ang pangit pa, internal ang battery so kapag nasira ipapadala mo pa sa Apple. Oo libre ang pagawa at global pa…pero hassle pa din , sa tingin ko mas maganda kung nabibili as spare part ang battery.

 

Heto naman ang mga advantages….

 

  1. Cool Design – wala na akong masabi pa sa design ng iPhone medyo malaki pero maganda talaga.
  2. Cool Interface – Ibang klase ang touch response niya at madaling gamitin hindi katulad ng ibang touch phone na mahirap pindutin.
  3. Ipod – Bukod sa mobile phone, meron ka pang instant iPod!
  4. Internet – Dahil nga 3G technology kaya mong mag browse sa iPhone na para ka na din gumagamit ng isang ordinary PC na may maliit na screen.
  5. GPS – Cool gamitin, lalo na kung hindi mo alam yung place or yung pupuntahan mo. Makikita nya kung nasaan ang location mo at naka combine pa sa google maps.
  6. E-mail – Very easy ang pag access mo sa mga email accounts.
  7. Applications – Heto ang masaya dito pwede kang mag download ng applications or mini softwares like Facebook, Skype, games, Bible, e-books, at thousands more.
  8. Others – Cool calendar, Yung world clock ok din, Gusto ko din yung pagkakagawa sa phone contacts, at cool calculator interface.

 

Kung kayo yung tipong malakas mag text at hindi naman gaanong gumagamit ng internet then, hindi para sa inyo ang iPhone. Pero kung malakas kang gumamit ng internet at mahilig makinig ng MP3s aba….bumili ka na ng iPhone! Alam ko na mas madami pang mas hi-tech na mobile phone pero, para sa akin very useful ang iPhone dahil sa mga applications na pwede mong i-install. May balita din ako na kapag nilabas na ang bagong firmware ay pwede ka ng mag text forwarding at mag MMS. Ayan lang po ang maibabahagi ko….bow!

 

 “Well, of course, I’m the wrong person to ask. I like to dial numbers with one hand, and maybe I’m the only one.”
Bill Gates
Asked if he would buy an Apple iPhone.